I know I won’t get over this very soon. Minutes ago, I was out with three of my friends at Calle Cinco drinking our livers out. It was a bit unusual. Non-smokers went smoking. Ang hindi naman dating nagkakalat, kanina ay nagkalat. Patunay lang na lahat ng bagay ay nagbabago. I admit, I’m a bit emotional about this. It’s just that things feel so different this way.
Parang kailan lang, lahat kami ay nagsasaya sa Calle Cinco, kanina ay apat lang kami. Hay. Iba-iba na ang mga landas na tinatahak namin. Ganun talaga. Nakakalungkot.
Alam mo yung ganun? Alam mo namang magkikita pa kayong lahat, pero matatagalan pa at hindi mo alam kung kelan ulit ang susunod. Malamang nakakasuka na ang pagiging emotional ko. Pero anong magagawa ko? Ganun talaga.
Extended nga ang pahinga ko bago ko tuluyang lisanin ang lugar na ito. Kaya nga ngayon pa lang, sasabihin ko na ito.
To the present ones
Coh, you’ll always be the brad I have. I don’t know if it’s a good thing that you’re influenced by us, your B.I. friends. But I know we’re all happy. Hindi naman nakakamatay ang hindi pagiging moralista paminsan-minsan. Hehe. Rock on brad!
Krish, kahit medyo nagkalat ka kanina, idol pa rin kita sa inuman. Baka nadala ka lang kasi wala si Simon. Hehe. Medyo affected si Krisha kasi nga may record syang malinis na malinis tuwing inuman. Ok lang yan. Ganyan talaga. Kanya-kanyang oras lang yan.
Elton, alam kong nagsusumikap kang makapagtrabaho. I’m happy for you. Pero hindi ko pa rin binabawi ang sinabi kong magsampalan na lang tayo ng pera pagdating ng panahon. Haha. All my loving Ton!
To the absent ones
Beans, you’ve done so much to defend why I chose this job. Salamat. I trust you enough that you’d do well. For now, I’ll leave the task to you, sorry. Alam ko namang ikaw ang unang tatanungin kung nasaan na ako at anong ginagawa ko ngayon. But don’t worry, pagdating ng panahon, you’ll have the best lawyer to defend you – for free! Ehem. Alam mo na kung sino yun.
Joan, hindi ako magkaka-aids, pangako yan. Parang bothered ka kasi lagi na baka magka-aids ako. Haha. Trust me! At hindi ko makakalimutang chumika nu. Diba? Walang taong busy kung gusto nyang magbigay ng panahon. We’ll see each other in a bang!
Anj, maaaring hindi matuloy ang pinapangarap nating napaka-wholesome na trip to Crocodile Park, pasensya talaga. Pero don’t worry, kahit saan mo gusto next time, itutuloy natin. Wag magpakabangi sa Thesis. Hehe.
Ste, hindi man tayo magkakasama sa lugar na pinangarap natin, mamimiss kita. Magtext ka naman paminsan-minsan. Hehe.
Gold, pareho tayong bored alam ko. Makakahanap ka rin ng trabahong para sayo. Pare, wag masyadong pag-antayin si Susan ok?
At ayan, kung magkakapera man lang ako ng maraming-marami, ililibre ko kayo ng DRINK and EAT ALL YOU CAN! Pati na rin Shisha. Mahal ko kayo.